Ang Tunay na Pag-ibig ay isang napahalagang nararamdaman ng tao. Ito ay ang masidhing damdamin ng pagmamahal. ito ay hindi Lamang pinaka makapangyarihang lakas sa mundo kundi ito ay susi ng Buhay. Kung walang pag-ibigang buhay ay Malamlam at malungkot..
Ang ating kakayahang Umibig ay isang natatanging regalo ng Diyos, na marapat nating ipamahagi. Ang kahanga-hangang himala pa nito ay ang pantay-pantay na kakayahan ng mayaman at mahirap na bumahagi ng pag-ibig sa kapwa at ang pangangailangan na mabahaginan din.
Ang pag-ibig ay maaring ipahayag sa libu-libong pamamaraan, kaya bakit tayo mag0iisip ng kung anu-anong maihahandog, samantalang andyan naman ang pag-ibig, ang pagmamahal na taimtim sa ating pusopuso. kapag nadarama natin ang katotohanang anak tayo ng Diyos, Pagsisikapan nating ang mga kabutihan ay maisaloob, ikaliligaya natin kahit munting tulong ay ating maiihandog sa dapat tulungan, dahil tayo ay may magandang layon ng puso’t kalooban.
Ang pag-ibig ang pinakamagandang maiaalay natin sa mundo,ngunit bago nating magawang ibigin ang kapwa tao, dapat nating mahalin ang ating mga sarili.Kung hindi natin alam ang katuturan niyon at ang ibig sabihin. paano natin maisasalin ang diwa’t buhay nito?
Ang tunay na pag-ibig ay kabutihang loob, hindi mapanibugho, di mayabang di mapagsubokdi mapang-lait, di mapanuri at hindi mapagmalabis. ito ay maunawain, may tiwala,matiisin, matiyaga at laging may pag-asa.

No comments:
Post a Comment